Picture
Lahat tayo ay may tungkulin 
Pero hindi natin mapaninindigan kung wala tayong gagawin. 
Mga magulang natin sati'y may karapatang mag-aruga
Upang tayo'y maging mabubuting bata. 
Ang ating tungkulin ay maging masunurin at matulungin. 
Pero iba-iba tayo, may kanya kanyang mithiin.
Ako bilang isang batang mag-aaral
Pagsasanay sa mga pang-abay, pang-ugnay, parirala at pangungusap ay munting pagpapagal 
Di man ang mga ito ang aking paborito
Alam kong ang mga tinuturo ng magulang ay para sa kabutihan ko
Gobyerno ng Pilipinas tungkulin mo'y magbigay ng  kaalwanan samin
Marami mong gawain ay di rin namin mamaliitin. 
Ating sikapin ang makiisa, upang mas marami rin naman ang guminhawa                                               




Leave a Reply.

    My name is Colin. I created this blog to show what I do for homeschool activities and projects throughout the year. I started this blog in 2013 the 4th quarter of my third grade.